P2/litrong dagdag sa diesel, gasolina, nakaamba

P2/litrong dagdag sa diesel, gasolina, nakaamba

January 20, 2023 @ 6:10 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Magkakaroon ng panibagong price hike sa produktong petrolyo.

Batay sa oil trading sa nakalipas na araw (January 16 hanggang 19), sinabi ng oil industry na posibleng tumaas ang presyo kada litro ng diesel ng P1.80 hanggang P2.00.

Samantala, nakaamba namang tumaas ng P2.40 hanggang P2.60 kada litro ang presyo ng gasolina.

Karaniwang inaanunsyo ng oil companies ang price adjustments tuwing Lunes, at ipinapatupad kinabukasan. RNT/SA