P20.3B badyet ng DFA aprubado na ng Senado

P20.3B badyet ng DFA aprubado na ng Senado

September 30, 2022 @ 6:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Aprubado na ng Senate finance subcommittee ang P20.3-bilyon budget ng Department of Foreign Affairs ngayong Biyernes, Setyembre 30.

Ito ay matapos ang mahigit apat na oras na deliberasyon kasama si Senate President Pro Tempore Loren Legarda na chairperson ng finance subcommittee.

“I just wanted again to thank you, Madam Chair, for your full support for the DFA budget and also to assure you that the requests made this morning for additional information, we will certainly submit,” ani DFA Secretary Enrique Manalo na labis ang pasasalamat sa paborableng tugon sa kanilang budget.

“Again, to say that we’re very happy with the way the hearing was conducted, and I think in many ways you’ve also helped us learn a bit more of what we need to do to improve,” pagpapatuloy niya.

Sa P20.3 bilyon budget ng DFA, P20.17 bilyon dito ay ilalaan sa Office of the Secretary at ang P128.79 milyon naman ay ilalagay sa attached agencies nito. RNT/JGC