P20 bigas ‘di imposible pero ibang sektor maapektuhan – Salceda

P20 bigas ‘di imposible pero ibang sektor maapektuhan – Salceda

August 13, 2022 @ 12:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bagama’t hindi imposible, sinabi ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na ang pagpapababa sa presyo ng bigas sa P20 ay makaaapekto sa ibang sektor sa bansa.

Inirekomenda ni Salceda na ikonsidera ng pamahalaan ang iba pang policy options dahil sa pagpapababa ng presyo ng bigas, malulugi ang pamahalaan ng P180 bilyon kada taon.

“Hindi sa impossible kundi it will be at the expense of some many other sectors which are of equal priority,” ayon sa mambabatas.

“It will take you at least about P180 billion to sustain that for one year and you wanna sustain that for the rest. You will be spending a lot of money. Why don’t you just give that money to the farmers so they can produce better? So there were policy options,” dagdag niya.

Magugunitang noong campaign period, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na irerekomenda niya na ang price cap sa bigas ay ibaba hanggang P20 kada kilo.

Hindi idinetalye ni Marcos Jr. kung paano niya ito gagawin subalit noong Mayo, hsinabi niyang isa itong “aspiration” at kinakailangang ayusin ang value chain upang maabot ito.

Ang value chain ay ang serye ng mga hakbang sa pag-produce o serbisyong ibinebenta sa consumers, kung saan kada hakbang ay nakadargdag ng presyo ng produkto o serbisyo.

Sa halip na P20 kada kilo, inirekomenda ni Salceda ang P38 hanggang P42.

“You have to understand a Marcos. A Marcos is well-known for the articulation of grand national ambition…the word is aspirational,” aniya.

“Second is I think why not from P38 to P42 and you push it, go up to 20, I think, it will create public good. In other words, it’s the direction that matters,” dagdag niya.

Batay sa pinakabagong datos mula sa Department of Agriculture (DA), ang average prices ng bigas ay mula P38 hanggang P50 kada kilo para sa lokal, at mula P37 hanggang P52 kada kilo para sa imported hanggang nitong Hunyo 6, 2022. RNT/SA