P20 ipinakakaltas ni Poe bilang saving sa kada kilo ng maibebentang imported sugar

P20 ipinakakaltas ni Poe bilang saving sa kada kilo ng maibebentang imported sugar

August 31, 2022 @ 4:10 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Iminungkahi ni Senador Grace Poe sa pamaahalaan na magtabi ng P20 sa pagbebenta ng kada kilo ng imported sugar upang suportahan ang sugar industry.

Ipinalutang ni Poe ang naturang ideya sa ginanap na pagdinig ng Senate blue ribbon committee hinggil sa maanomalyang pagpapalabas Sugar Order No 4 dahil masyadong malawak ang diperesneiya ng presyo ng asukal sa pandaigdigang pamilya kumpara sa local na merkado.

“For every 300,000 metric tons we import, we’ll have P3 billion to give to our farmers. Kung 150,000 tons lang, that’s still P1.5 billion extra that we can give to the sugar industry to subsidize them, and at the same time, our consumers would stand to save P28 per kilo,” aniya.

Sinabi ni Poe na umabot lamang sa P22 kada kilo ang presyo ng asukal sa international market habang P70 naman ang retail price sa bansa.

“Dapat magsagawa ng computation ang Department of Trade and Industry (DTI) upang magkaroon ng liberalisasyon sa industriya kahit saglit lang habang nahaharap tayo sa kakapusan ng suplay,” ayon kay Poe.

Umabot na sa P100 ang kada kilo ng asukal sa bansa. Pero, mayroong P70 sa ilang piling outlets kaya’t iginiit ng mambabagtas na puwede pang ibaba ang retail cost ng asukal sa P55 upang makahinga naman ang consumer.

Hiniling din niya sa gobyerno na suriin ang timing ng importation at harvest season upang mabalanse ang interes ng kapwa consumer at local producers.

“I really think we can support the industry by adding a little bit of tariff and that tariff will not even disadvantage consumers because it will still come out cheaper,” ani Poe.

Dagdag niya: “I support the sugar industry but I should also advocate for our consumers who are clearly the ones getting the short end of the bargain.” Ernie Reyes