P20 kada kilo ng bigas mabibili sa Zambales

P20 kada kilo ng bigas mabibili sa Zambales

August 7, 2022 @ 3:47 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Mabibili sa Botolan, Zambales ang P20 kada kilo ng bigas.

Ito ay sa pamamagitan ng isang programa na ikinasa ng lokal na pamahalaan.

Sa ilalim ng rice subsidy program ni Botolan Mayor Omar Jun Ebdane, makabibili ang mga residente ng P20 kada kilong bigas.

May extra pang libre na isang kilo kapag nasa limang kilo ang binili ng isang residente,

Nagsimula ang programa noong Hulyo 12 at tatagal naman hanggang Setyembre 29.

Para maging patas at hindi dumugin, pangontra na rin sa COVID-19, may kanya-kanyang schedule kada barangay ang pagbebenta ng murang bigas.

Matatandaang noong panahon ng kampanya, sinabi ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hangad niyang maibaba sa P20 kada kilo ang presyo ng bigas.

Pero nang mahalal ay kumabig ang ilan sa kanyang mga gabinete at sinabing hindi kakayanin ang P20 at pinakamalapit na umano ang P27 pataas. RNT