P20 kada kilong bigas kaya kung P400B ilalaan sa Agri sector – solon

P20 kada kilong bigas kaya kung P400B ilalaan sa Agri sector – solon

June 8, 2022 @ 1:01 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Maaaring maabot ng Marcos administration ang pangako nitong P20 kada kilo ng bigas sa loka na pamilihan kung agad na makapaglalatag ng mga programa para maisakatuparan ito, ayon kay Magsasaka Partylist Rep Argel Cabatbat.

Ayon kay Cabatbat isa sa dapat na unahing gawin ay pondohan ang agriculture sector ng P400B pata isulong ang support services,infrastructure, marketing at pagpapatupad ng labor-intensive farm practices.

Inihalimbwa ni Cabatbat ang ginawa sa Thailand at Vietnamn kung saan nagkaroon ng todong suporta ang kanilang pamahalaan sa comprehensive mechanization program para s akanilang magsasaka na ang resulta ay mas maraming ano at mas murang bigas.

“We should not doubt the capability of local farmers to produce cheap and quality rice. With enough support, appropriate policy changes, the removal of middlemen or brokers, and the right managers in the Department of Agriculture who are pro-farmers, PHP20 per kilo of rice is possible,” ani Cabatbat.

Sa Pilipinas ay maaari na umanong sundan ang ginawa ng Agrarian Reform “megafarm” concept at ang programa ng Provincial Food Council sa Nueva Ecija.

“both have had fair success in increasing the yield and profit of farmers in Tarlac and Nueva Ecija, while lowering rice prices for consumers” pahayag ni Cabatbat.

Isa pa sa dapat na gawin ay rebyuhin ang Rice Tariffication Law upang maiwasan ang pagbaha ng imports na bigas.

“Masyado kasi tayong umaasa sa ibang bansa para sa suplay natin ng pagkain. Hindi natin namamalayang pinapatay nito ang sektor ng agrikultura at ang ekonomiya dahil naka-depende na tayo eh. Magtiwala tayo sa sarili nating mga magsasaka na kaya namang mag-produce ng sapat, mura at de-kalidad na bigas at bilihin para sa bawat Pilipino”pagtatapos pa nito. Gail Mendoza