P20/kilo bigas, ‘di kaya – incoming DAR chief

P20/kilo bigas, ‘di kaya – incoming DAR chief

June 16, 2022 @ 6:07 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tuluyan nang sinara ni incoming Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang pangako ni President-elec Ferdinand Marcos Jr. na P20 kada kilo ng bigas.

Nauna nang sinabi ni Agrarian Reform chief Bernie Cruz na kayang maibaba sa P20 kada kilo ang presyo ng bigas sa second quarter ng 2023 sa pamamagitan ng “mega farm” o consolidated production.

Sinabi naman ni Estrella na nakausap na niya ang ilang mga kapwa magsasaka at sinabing hindi kayang maibaba sa P10 ang farm gate price.

“Di kaya eh, ang kaya P14. Pagdating sa miller, tapos retailers pwede tayo sa P28,” aniya sa interbyu sa ANC.

“I don’t think it is [possible] In the very near future, it’s not possible. But you know how technology is,” dagdag pa niya.

Sa kabilang banda, sinabi ni Estrella na isa sa kanyang ipaprayoridad ay ang imbestigasyon sa pag-aresto sa Tinang 91 o grupo ng mga magsasaka, land reform advocates, media, at estudyante sa Hacienda Tinang in Concepcion, Tarlac.

“If you prolong this, it might lead to violence we might not be able to control,” ani Estrella.

“In some places, I was told some of the beneficiaries were not able to enter the lands assigned to them kasi may konting (because there’s some) pressure from the original land owner, harassment and all sorts of things. We will look into so we could prevent incidents such as Hacienda Tinang.” RNT