P200K iligal na coco lumber naharang ng PCG

P200K iligal na coco lumber naharang ng PCG

December 19, 2022 @ 7:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang higit sa P200,000 halaga ng mga hindi dokumentadong coco lumber sakay ng isang truck sa Port of Hilongos sa lalawigan ng Leyte kamakailan.

Ayon sa PCG, nagsasagawa ng inspeksyon ang Coast Guard K9 team sa mga sasakyan sa naturang pantalan nitong Disyembre 16 nang maging kahina-hinala ang isang container na idineklarang mga “empty bottles” ang laman.

Ngunit tumambad sa PCG ang mga coco lumber nang buksan ang container kung saan aabot umano sa kabuuang halaga na P206,400.

Nang hingan ng dokumento, walang maipata ang tsuper at pahinante ng naturang trak.

Kinumpiska at inihatid ito ng PCG sa Philippine Coconut Authority (PCA) habang inihahanda ang paghahain ng kaso laban sa mga sangkot na indibidwal.

Nangako naman ang PCG ng patuloy na mahigpit na pagbabantay laban sa iligal na pagbiyahe ng mga hindi dokumentong produkto lalo na sa agrikultura. Jocelyn Tabangcura-Domenden