P200M nakalaan para sa LGUs na apektado ng lindol – NDRRMC

P200M nakalaan para sa LGUs na apektado ng lindol – NDRRMC

July 27, 2022 @ 4:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tinatayang  P200 milyong halaga ng  quick response funds ang  available para tulungan ang  local government units na apektado ng  magnitude 7 quake na umuga sa Abra, Miyerkules ng umaga, Hulyo 27.

“Usec. (Jose) Faustino confirms the [availability] of NDRRMC’s P200-M quick response fund for use in case [affected] LGUs would require support,” ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal.

Ayon kay  Timbal,  nakipagpulong si Executive Secretary Victor Rodriguez kay Department of National Defense officer-in-charge at NDRRMC chairperson Jose Faustino Jr. at iba pang government officials para talakayin ang  earthquake operations sa lalawigan ng  Abra.

Ang mga sumusunod ang ilan sa naapektuhan ng magnitude 7 quake, at situation update mula sa iba’t ibang bahagi ng  Luzon  na panunang iniulat ng NDRRMC  ilang saglit matapos ang lindol:

Cordillera Administrative Region:

• “No reported aftershocks, continuous monitoring and assessment;
• With landslide incidents reported in Benguet;
• With damage reported in Lagangalingan, Abra and Mountain Province;
• With signal and power interruption (Smart cellsites sa Benguet);
• Casualty – 1 dead in La Trinidad, Benguet (para sa koordinasyon); at
• No damage to dams.”

Region 1:

• may naiulat na pinsala sa Ilocos Sur

• No tsunami threat

Region 2: No damage reported

Region 3: No damage reported

Region 4A: No damage reported

Region 4B: No damage reported

NCR: No damage reported. Kris Jose