P200M pondo sa libreng COVID vaccine, tinambay na ni Yorme

P200M pondo sa libreng COVID vaccine, tinambay na ni Yorme

August 6, 2020 @ 6:09 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang isang ordinansa kung saan maglalaan ng P200 milyon ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila upang ipambili ng bakuna kontra COVID-19 na ipamamahagi sa lahat ng Manilenyo.

Ayon kay Domagoso, ang naturang hakbang ay bilang paghahanda ng lokal na pamahalaang lungsod upang makabili agad ng “vaccine” sa nasabing sakit sa oras na magkaroon na ito at maaprubahan ng mga medical health authorities.

Nilagdaan ni Domagoso ang Ordinance No. 8659 matapos siguruhin ni Manila City Treasurer Chief Jasmine Talegon na may naitabi na silang pondo upang magamit sa pambili sa nasabing bakuna.

Sa nasabing ordinansa, nangangahulugan na ang lokal na pamahalaang lungsod ay hindi na kailangang maghintay para sa pagpasa ng 2021 na badyet upang ipambili sa mga bakuna ng COVID-19.

Matatandaan na una nang hiniling ni Domagoso kay Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan gayundin sa Manila City Council na magtabi ng P200 milyon budget upang ipambili sa vaccine.

“It turns out that the Manila City government already has available funds worth P200 million for the immediate procurement of COVID-19 vaccines should it become available this year,” ani Domagoso.

“I want our city to have these COVID-19 vaccines, like how we are able to provide free COVID-19 mass testing—efficient, accessible and free for all,” dagdag pa ng alkalde.  Jay Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...