P20M inisyal na pinsala sa agrikultura naitala sa pagsabog ng Bulusan

P20M inisyal na pinsala sa agrikultura naitala sa pagsabog ng Bulusan

June 7, 2022 @ 10:15 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 2,683.40 ektarya ng lupang pang-agrikultura ang naapektuhan ng pag-alburuto ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon nitong Linggo.

Bunsod nito, iniulat ng Office of Civil Defense-Bicol (OCD-5) na umabot na sa P20.2 milyon ang inisyal na halaga ng winasak sa sektor ng agrikultura.

Sa pagbanggit sa mga ulat mula sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA) Region 5, sinabi ni Jessar Adornado, OCD-5 assistant regional director, sa isang panayam na ang mga pagkalugi na kinapalolooban ng 824.16 metric tons (MT) ng mga pananim.

Naitala naman ang mga pinsala sa tatlong munisipalidad ng Sorsogon partikular sa Casiguran, Juban, at Irosin.

“DA-5 is closely monitoring and coordinating with the provincial disaster risk reduction management of Sorsogon and other affected municipalities. They also reported that the regional dairy production and technology center in Sorsogon City was initially designated as a primary livestock evacuation center,” sabi ni Adornado.

Nang tanungin tungkol sa mga interbensyon na inihahanda ng OCD, sinabi niya na ang OCD-5 at ang regional disaster risk reduction management council ay kasalukuyang nasa blue alert o standby para sa pag-deploy ng mga kinakailangang asset.

May kabuuang 2,784 pamilya o 13,920 indibidwal ang apektado ng ashfall at masangsang na amoy mula sa phreatic eruption ng Bulusan Volcano sa mga munisipalidad ng Juban at Irosin, habang 75 pamilya o 278 indibidwal ang inilipat sa Tughan evacuation center sa bayan ng Juban.

“As to the situation of the Bulusan Volcano, a recent ground deformation survey shows that the edifice of Mt. Bulusan is still inflated. Sudden steam-driven or phreatic eruptions are still possible,” babala pa ni Adornado. RNT