P210K tobats sa airport buking kay bantay

P210K tobats sa airport buking kay bantay

July 6, 2022 @ 9:20 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Aabot sa P210,000 halaga ng iligal na droga o shabu ang nadiskubre sa mga pakete sa pamamagitan ng K-9 dog ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Zamboang International Airport.

Ayon sa PCG, si “Bunny” ng PCG K9 Team ay nagpakita ng positibong indikasyon habang iniinspeksyon ang mga outbound packages.

Nang buksan ang pakete, nadiskubre ng PCG K9 Team Zamboanga at iba pang airport authorities ang 14 sachet ng shabu na katumbas ng 5 gramo.

Nagsasagawa na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa nasabing insidente

Sinusuportahan ng PCG K9 Teams ang mga awtoridad sa pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad, at kaayusan sa iba’t ibang paliparan sa buong bansa batay sa direktiba ni dating Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade. Jocelyn Tabangcura-Domenden