P219B-sirit sa unprogrammed funds sa 2023, kinuwestiyon ni Pimentel

P219B-sirit sa unprogrammed funds sa 2023, kinuwestiyon ni Pimentel

December 6, 2022 @ 9:17 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Koko Pimentel nitong Lunes ang ₱219-billion budget pagtaas sa unprogrammed appropriations (UA) sa bersiyon ng bicameral conference committee panukalang 2023 national budget dahil popondohan ito sa pamamagitan ng utang.

Sinabi ni Pimentel na kanyang napanasin na tumaas ng P219 bilyon ang unprogrammed funds na magiging bahagi ng batas na nakatakda sa report.

“Ang problema po ay yung detalye, ano po kaya ito,”giit niya.

Bukod sa bagong buwis, sinabi ni Pimentel na popondohan ang naturang pagtaas ng utang.

“Kahit programmed yung appropriations, inuutang din natin. Ang unprogrammed, uutangin din natin,” Pimentel said.

Pero, ikinatuwiran naman ni Senador Sonny Angara na hindi bahagi ng national budget ang unprogrammed funds na popondohan sa kikitain ng pamahalaan sa halip na utang.

Iginiit naman ni Pimentel na kahit kita ng pamahalaan ang gagamitin para sa badyet, naunang inihayag ng Bureau of Treasury earlier na hindi inaasahan ang extra revenues upang pondohan ang ibang proyekto sa 2023.

Kaya, aniya, aabot sa P5.8 trilyon ang bagong national budget dahil nadagdagan ito ngP219 bilyon para sa UA.

Kinuwestiyon din ni Pimentel ang bersiyon ng bicameral conference committee sa badyet na naglaaman ng ilang rebisyon na hindi tugma sa bersiyon ng Mababang Kapulungan at Senado kabilang ang pondo sa Task Force to End Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC).

Aniya, naunang inihain ng Palasyo ang P10 bilyong pondo at naibaba sa P5 bilyon sa deliberasyon ng Kongreso pero naibalik ito pagkatapos ng bicameral conference committee.

“Ito po ‘yung problema . The bicam is acting like a third house of Congress,” ayon sa senador.

“Why are these things happening Mr. President when the bicam is not a third house of Congress?” tanong ni Pimentel kay Angara.

Ayon kay Angara, naimpluwensiyahan ng maraming salik ang report ng bicameral conference kabilang ang mabilis na pagdadala ng General Appropriations Bill (GAB) sa Congress.

“The speed of the approval of the House-approved GAB, between that and the Senate version, there was two-weeks that transpired. As you’ve mentioned, there are many moving parts, hindi napansin ‘yung changes. Dito lang po sa bicam na-highlight [the changes were not noticed. It was only highlighted here in the bicam],” giit ni Angara. Ernie Reyes