P21M medical assistance sa indigent patients ipinagkaloob ng BARMM

P21M medical assistance sa indigent patients ipinagkaloob ng BARMM

January 27, 2023 @ 3:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naipagkaloob na ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang P21 milyon halaga ng libreng medical assistance sa indigent patients sa rehiyon.

Ayon Ministry of Social Services and Development (MSSD) Atty. Raissa Jajurie, ibinigay ng ahensya ang P21 milyon halaga ng tseke nitong Huwebes, Enero 26 kay Mercury Drug Cotabato branch manager Daniel Ulep para magpasalidad sa pagbibigay ng libreng gamot sa mga pasyente.

Sa ilalim nito, maaaring makakuha ng libreng gamot ang mga pasyenteng may hawak na referral mula sa MSSD sa mga branch ng Mercury Drug sa mga lungsod ng Cotabato, Tacurong, Iligan at Zamboanga; maging sa mga bayan ng Midsayap at Kabacan sa North Cotabato.

Ani Jajurie, layon nito na palakasin pa ang pagbabahagi ng Bangsamoro Critical Assistance for Indigents in Response to Emergency Situations (B-CARES) program ng MSSD para sa mga indigent patients na mangangailangan ng gamot.

Samantala, sasailalim sa interview ang pasyente o authorized representatives nito upang malaman kung kwalipikado ang mga ito bilang benepisyaryo ng naturang programa.

“Once deemed qualified, a guaranty letter will be issued, and they can proceed to Mercury Drug to get the medicine,” aniya.

Ang mga pasyenteng mangangailangan ng tulong ay maaaring magtungo sa opisina ng MSSD at ipakita ang reseta ng doktor kabilang ang date of issuance ng prescription, kumpletong pangalan, PRC license number at pirma ng umatending doktor.

“Through this, the indigent patients or a representative will no longer go through a tedious process of seeking assistance from BARMM,” sinabi pa ni Jajurie.

Samantala, nangako naman si Ulep na patuloy na magbibigay ng tamang gamot at serbisyo ang Mercury Drug sa indigent patients.

“Hopefully, this program will continue to help make life easy for indigents, especially those in need of immediate medication,” sinabi pa niya. RNT/JGC