P229-M fishport project sa Navotas, kasado na-SAP Go

P229-M fishport project sa Navotas, kasado na-SAP Go

August 9, 2018 @ 2:37 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Kasado na ang P229 million na fishport project ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa Navotas.

Ito ang masayang ibinalita ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go  sa kanyang pagdalo sa anibersaryo ng  Philippine Fisheries Development Authority  sa Navotas fishport.

Sinabi ni Go na kabilang  ang pagpapaunlad sa Navotas fishport sa mga prayoidad ng pangulo at sa katunayan ay kasama ang naturang pondo sa 2019 national expenditure program ng pamahalaan.

Aniya, target na masimulan ang proyekto sa susunod na taon hanggang  2023 kahit tapos na ang termino ng pangulo.

Samantala, hangad ni Go na mas magtagumpay pa ang Navotas sa industriya nito ng pangingisda. (Kris Jose)