P22M tulong naibigay na sa Paeng victims – DSWD

P22M tulong naibigay na sa Paeng victims – DSWD

October 30, 2022 @ 3:06 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tulong na nagkakahalaga ng P22.3 milyon sa mga biktima ng tropical storm Paeng, ayon sa ahensya nitong Linggo.

Saklaw nito ang food packs at non-food relief items na ibinigay sa 1.2 milyong indibidwal na apektado ng pananalasa ni Paeng, batay sa pahayag.

“DSWD is ready. We have food items. We have non-food items. We have cash,” ani Social Welfare Secretary Erwin Tulfo sid.

“As of 6 AM of October 30, the DSWD has stockpiles and standby funds amounting to more than Php1.4 billion.”

Sa kasalukuyan, halos 40,000 pamilya ang nananatili sa halos 1,870 evacuation centers sa ia’t ibang bahagi ng bansa, base sa ahensya.

Nakapagtala ang pamahalaan ng 669 napinsalang tahanan sa Cordillera, Mimaropa, Eastern Visayas, Central Visayas, Western Visayas, Davao, Soccsksargen at Caraga, anito.

Nitong Sabado, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DSWD na ipagpatuloy ang “deployment and distribution of additional family food packs and water to affected residents.”

Inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hang deklarasyon ng national state of calamity para sa buong taon matapos hagupitin ng bagyo ang 16 sa 17 rehiyon sa Pilipinas. RNT/SA