P23.13B badyet ng DENR sa 2023, idenepensa ni Villar

P23.13B badyet ng DENR sa 2023, idenepensa ni Villar

November 17, 2022 @ 2:35 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inisponsor at idenepensa ni Senador Cynthia Villar ang panukalang P23.13 bilyong badyet ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at attached agencies sa 2023 sa ginanap na Senate plenary session nitong Miyerkoles, Nobyembre 16.

Sa pahayag, sinabi ni Villar na nakakuha ng pinakamalaking pondo ang Office of the Environmental Secretary na umabot sa P17.94 bilyon habang P2.328 bilyon ang napunta sa Environmental Management Bureau (EMB).

Natuklasan sa depensa ni Villar, chairman ng Senate committee on natural resources and environment, na naikalat ang pondo ng DENR sa 2023 sa mga sumusunod na ahensiya: Mines and Geosciences Bureau (P1.25 billion), National Mapping and Resources Information Authority (P1.378 billion), National Water Resources Board (P142.72 million), at Palawan Council For Sustainable Development (P87.87 million).

“We are hopeful that this proposed budget, once approved, will be efficiently utilized toward the conservation, management, development, and the proper use of environment and natural resources, which constitute the primary responsibility of the DENR and to fulfill the constitutional duty of the State to protect and advance the rights of the people to a balance and helpful ecology,” giit ni Villar.

Kaugnay nito, sinuportahan naman ni Senator Raffy Tulfo ang panukalang 2023 P23.13 billion budget ng DENR.

Sa kanyang manipestasyon, sinabi ni Tulfo na umaasa siyang magagamit ng DENR ang pondo nito sa pagtugon sa problemang pangkapaligiran at huwag nang maghintay ng public opinion bago kumilos.

“Why should we wait for rallies before we step in to prevent environmental destruction? Do we have to wait for others to call our attention before we act? Isn’t it DENR’s expertise to take care of the environment?” tanong ni Tulfo.

Hiniling din ni Tulfo sa DENR na resolbahan ang security issues sa Masungi Georeserve at sa Kaliwa Dam project. Ernie Reyes