P236.3B benepisyo naipamahagi ng SSS sa 11-buwan

P236.3B benepisyo naipamahagi ng SSS sa 11-buwan

December 29, 2022 @ 9:17 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – SINABI ng Social Security System (SSS) na may kabuuang P236.3 bilyong halaga ng benepisyo ang binayaran nito mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.

Sa isang kalatas, sinabi ng SSS na ang halagang binayaran ay sumasalamin sa 13.2% growth year-on-year mula P208.8 billion na benefit disbursements na naitala para sa buwan ng Enero hanggang Nobyembre ng taong 2021.

Winika ni SSS president at CEO Michael Regino na ang pagtaas sa bayarin ngayong taon ay bunsod ng tumaas na bilang ng benefit claims, bilang ng mga miyembro at pensyonado at halaga ng benepisyo para sa retirement, disability, at death.

“For the first 11 months of 2022, we have received 4.58 million benefit claims. This is 7.3% higher than the 4.27 million benefit claims we received for the same period last year,” said ayon kay Regino.

“Our pensioners, which stood at three million in 2021, grew to 3.18 million by November 2022, while our retirement, disability, and death benefit monthly disbursements, which averaged P16.6 billion in 2021, increased to P19.53 billion for January to November this year,” dagdag na pahayag ni Regino.

Samantala, simula Enero 2023, itataas ng SSS ang contribution rate ng 1%, magiging 14% na ito mula sa dating 13%.

Ang share ng employer sa kontribusyon ay tataas ng 9.5%, habang ang share ng empleyado sa kontribusyon ay mananatiling 4.5%.

“Self-employed, voluntary, and land-based Overseas Filipino Worker members will shoulder the 1% increase,” ayon sa SSS.

“The minimum and maximum MSCs will also increase from P3,000 to P4,000 and from P25,000 to P30,000, respectively,” ayon pa rin sa SSS. Kris Jose