P238K ‘tobats’ nasabat, drug den giba sa Bulacan buy-bust

P238K ‘tobats’ nasabat, drug den giba sa Bulacan buy-bust

November 25, 2022 @ 6:03 PM 1 week ago


Bulacan – Nasa P238,000 halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa hiwalay na buy-bust operation at pagsilbi ng search warrant ng pulisya sa lalawigang ito nitong Nobyembre 23.

Sa report, nagiba ng pinagsanib na puwersa ng PNP-DEG SOU3, San Jose Del Monte police at PDEA RO3 ang drugden at naaresto sina Reggie Dizon, Marilet Genes at Andrew Ramos matapos ipatupad ang search warrant sa Brgy. Kaypian.

Nakumpiska ang walong sachet na pinaghihinalaang shabu na tumimbang ng 25 gramo na may estimated value na P170,000.

Arestado rin sa buy-bust sina William Alday, Ian Buenaventura, Ferdinand Robin Santos at Arvin Chris Camua ng Malolos police sa Brgy. Santor.

Nakuha sa operasyon ang anim na sachet na pinaghihinalaang shabu na tumimbang naman ng 10 gramo at nagkakahalagang P68,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon na humuli sa kanila. Dick Mirasol III