P24M halaga ng giant clams nakumpiska

P24M halaga ng giant clams nakumpiska

October 17, 2022 @ 7:54 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasa 226 piraso ng giant clams o taklobo ang nakumpiska ng Philippine Coast Guard o PCG sa isinagawang joint operation at entrapment operation sa Borbon, Cebu.

Isang indibidwal ang naaresto nang mahuli sa akto na nagbebenta ng endangered species na giant clams.

Tumitimbang ng 1,618 kilo ang mga taklobo at tinatayang nasa halagang P24 milyon.

Katuwang sa operasyon ang PCG Sub-Station Tabogon, PCG Intelligence Group Central Visayas, CIDG Central Visayas, NISG-7, BFAR-7, TOWCEN, AMC, at 3012th Air Intelligence Security Wing. Jocelyn Tabangcura-Domenden