P250 SRP ng sibuyas ikakasa

P250 SRP ng sibuyas ikakasa

December 29, 2022 @ 10:23 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ibinabala ng Department of Agriculture na maaaring tumaas ang suggested retail price (SRP) ng pulang sibuyas sa ₱250 kada kilo simula sa Disyembre 30.

Sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista sa CNN Philippines na ang naturang rekomendasyon ay itinaas matapos ang pagpupulong ng departamento sa mga stakeholder.

Ang panukala ay mas mataas kaysa sa ₱170-per-kilo SRP na itinakda ng DA noong Oktubre.

“May SRP tayo na sinet, pero ‘yung enforcement, how can you enforce kung manipis ang suplay? We have the supply, pero hindi ganoon karami na we can flood the market just to bring down the prices,” ani DA deputy spokesperson Rex Estoperez.

Sa kabila kasi ng pag-aayos sa SRP, may mga ulat na sumirit ang presyo ng pulang sibuyas kung saan naibebenta pa ito ng ₱720 kada kilo.

Nauna rito, sinabi ng kagawaran na inaasahang tataas ang suplay ng sibuyas at bababa ang mga presyo sa panahon ng peak harvest season sa Enero. RNT