P250K pekeng yosi nasabat ng MPD

P250K pekeng yosi nasabat ng MPD

December 5, 2022 @ 7:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinumpiska ng Manila Police District (MPD) ang ilang kahon ng umano’y pekeng sigarilyo na tinatayang aabot sa halagang P250,000.

Ayon kay PLtCol Orlando Mirando Jr, sa Sta. Ana Police Station commander, iniaalok umano ang mga sigarilyo na may brand na Marlboro Red at Gold sa pamamagitan ng Facebook Marketplace.

Ayon sa complainant na isang negosyante na si Xyrus Edgar Mabilangan, nagkasundo sila ng mga seller/suspek na bilhin ang tatlong box ng sigarilyo na katumbas ng 110 rims sa halagang P93,500.

Nang matapos ang kanilang transaksyon sa San Andres Bukid, Manila ay nagmadali namang nilisan ang lugar ng mga suspek.

Agad tinignan ni Mabilangan ang mga kahon at natuklasan na halos kalahati lamang ng kanyang binayaran ang kanyang natanggap na produkto bukod pa sa napansin na malaki ang pagkakaiba nito sa orihinal.

Dahil dito, agad nagreklamo si Mabilangan sa pulisya at nagsagawa ng follow up operation na nagresulta ng pagkakaaresto ng tatlong indibidwal.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerome Pagobo y Piape, Elma Facunda y Luanco, Cesar Piastro Jr Collantes na pawang mga residente ng San Andres Bukid.

Mahaharap sa kasong Estafa ang mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden