P251M halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Cavite

P251M halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Cavite

November 13, 2022 @ 1:01 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasabat ang mahigit P251 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang operasyon sa Imus, Cavite nitong Sabado, Nobyembre 12.

Ayon kay Cavite Police Provincial Director Col. Christopher Olazo, nahuli ang illegal na droga mula sa mag-asawang suspeo sa kanilang bahay sa Barangay Buhay naTubig.

“Nag-conduct ng buy bust operation dito sa Imus ang PDEG, kasama ang Imus police at Cavite PPO. At tayo ay nakahuli ng dalawa. May asawa na suspek,” ani Olazo.

Dagdag pa, dalawang buwan na nagrenta ang mga suspek sa bahay kung saan sila nahuli.

Nasaba sa aabot sa 37 kilo ng hininalang shabu ang nakuha mula sa mga suspek na karamihan ay nakatago sa styrofoam container.

“Ang pagbenta is bultuhan. Nagbenta sila isang kilo sa operatiba, at may nakita na sampung kilo na susunod ang bagsak,” pagbabahagi ni Olazo.

“Tayo ay hindi titigil sa kampanya na pigilan muli bumalik ang droga sa kalsada at makakaasa ang kababayan natin sa kapulisan,” dagdag pa.

Dahil dito ay nahaharap sa reklamong paglabag ng RA 9165 oDangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. RNT/JGC