P255K shabu nakumpiska sa drug-bust sa Rizal

P255K shabu nakumpiska sa drug-bust sa Rizal

December 11, 2022 @ 4:19 PM 2 months ago


San Mateo, Rizal – Nagkasa ng drug buy bust operation ang mga operatiba ng San Mateo Drugs Enforcement Team sa pangunguna ni PLT. Michael Legaspi Jr. noong gabi ng Sabado, Disyembre 10 sa # 14 Mangga Street, Libis, Brgy Sta Ana, San Mateo, Rizal.

Matagumpay na nakabili ng pinaghihinalaang shabu and isang operatiba na nagpanggap bilang poseur buyer mula kay Lauro Anzures Y Agapito alyas ‘Uro’, residente ng Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal.

Samantala, patuloy ang pagtugis sa nakatakas na kasamahan ng suspek na si Roberto Peñaflor y Nicanor alyas Obet.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang hinihinalang shabu na may bigat na 37.4 gramo na nagkakahalaga ng P255,204, isang piraso ng pitaka at buy bust money.

Ang nakumpiskang mga ebidensya ay dadalhin sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination at tamang disposition habang ang naarestong suspek ay nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 at nakapiit na sa San Mateo Custodial Facility.

Muling nananawagan ang kapulisan ng Rizal na makipagtulungan ang mamamayan upang masupil ang mga ilegal na gawain sa ating bayan at probinsya. Maritess Pumaras