P25K bonus sa city hall employees sa Lapu-Lapu City, aprub na

P25K bonus sa city hall employees sa Lapu-Lapu City, aprub na

December 4, 2022 @ 12:09 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Lapu Lapu City Council sa Cebu, ang resolusyon na magbibigay ng hanggang P25,000 na performance-based bonus sa mga regular, co-terminous at casual employees ng city hall.

Ito ang kinumpirma ni City Councilor Annabeth Cuizon, na nagpasa ng proposed resolution sa konseho.

Sa naturang resolusyon, sinabi ni Cuizon na magsisilbi itong pagkilala sa mga empleyado at opisyal na lungsod sa kanilang maayos na pagtugon sa tungkulin na nakita naman sa pagkamit ng iba’t ibang awards ng lungsod sa 2022.

Kabilang sa mga ito ang matagumpay na paggunita ng pagsasara ng Quincentennial celebration of the “Battle at Mactan”; 2021 Best Performing City Anti-Drug Abuse Council; Highly Functional Peace and Order Council; 2nd place sa may highest percentage ng mga establisyimentong may Safety Seals; 2021 Seal of Child Friendly Local Governance; Top Performing PESO; Top Local Health System; Top ten LGUs in collection efficiency; at national finalists sa 2022 seal of good local governance.

Ang mga empleyado na nakapagtrabaho ng halos apat na buwan na serbisyo ngayong taon ay makatatanggap ng performance-based bonus na P25,000 o katumbas ng isang buwan na sahod ng mga ito.

Samantala, ang mga nakapagtrabaho ng mas mababa pa sa apat na buwan ay makatatanggap naman ng pro-rated share ng award o insentibo. RNT/JGC