P25M marijuana, sinunog sa Kalinga

P25M marijuana, sinunog sa Kalinga

January 30, 2023 @ 12:30 PM 2 months ago


BENGUET – Umabot sa P25 milyong halaga ng marijuana ang sinira at sinunog ng pinagsamang pwersa ng Philippine National Police-Philippine Drug Enforcement Agency (PNP-PDEA) matapos salakayin ang mga lugar na taniman ng mga marijuana para puksain sa loob ng tatlong araw na opersayon kamakailan sa bulubunduking bahagi ng Kalinga, Benguet.

Ayon kay Brig. Gen. Mafelino Aspero Bazar, Police Regional Office-Cordillera regional director, higit sa 106,140 fully grown na pananim ng marijuana ang pinagbubunot at tuluyan sinira ng mga operatiba ng PNP-PDEA.

Sinabi ni Bazar, noong Enero 24-25, binunot at sinira ng operatiba sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga ang

Umabot sa 26,000 fully grown marijuana plants na tinatayang nasa standard drug price (SDP) P7 milyon na nakatanim sa 2,600 square meters na lupain.

Habang noong Enero 26, sa parehong lugar mayroon 65,000 fully grown marijuana plants na nasa SDP P14.8M ang sinunog na nakatanim sa halos 9,000 square meters na lupa.

Sa isinagawa naman operasyon ng Enero 25-26 sa Chumanchil, Barangay Loccong, Tinglayan, mayroon naman 10,000 fully grown marijuana plants na pananim sa 1,000 square meters na lupa na may P2 milyong SDP.

Samantala, noong Enero 26, ang mga tauhan ng Kibungan Municipal Police Station, Benguet Police Provincial Office at PDEA-Cordillera ay sinira ang 2,800 fully grown marijuana na nakatanim sa 350 square meters sa Sitio Bacbacan, Poblacion, Kibungan, Benguet na aabot sa P560,000 SDP.

Sinunog rin ang 3 kilong dried marijuana na aabot sa P360,000.

Sa kabilang banda, isa pang operasyon ang inilunsad noong Enero 25, kung saan may kabuuang 2,340 fully grown na pananim ng marijuana sa higit-kumulang 30 square meters na may tinatayang SDP na P468,000 sa apat na lugar ang sinira kabilang ang dalawang kilo na mga tuyong tangkay ng marijuana na may tinatayang SDP na P240,000.

Subalit, walang cultivators ang naaresto sa nasabing operasyon.

Pinuri naman ni PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang pagtutulungan ng PROCOR (Police Regional Office-Cordillera), drug enforcement units sa pamumuno ni Bazar at iba pang mga unit pati na ang mga ahente ng PDEA na laging nasa top of the situation para matigil ang paglaganap ng droga bilang bahagi ng PNP ang patuloy na pagsisikap na linisin ang mga lugar na apektado ng droga sa rehiyon ng Cordillera at iba pang bahagi ng bansa. Mary Anne Sapico