P26B nawawala kada taon sa ‘illicit tobacco trade’ – Rep. Nograles

P26B nawawala kada taon sa ‘illicit tobacco trade’ – Rep. Nograles

November 16, 2022 @ 12:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Bilyon-bilyong piso ang nawawala sa revenue ng bansa dahil sa mga hindi nakokolektang excise tax at sa patuloy na pagpupuslit ng tobacco products.

Ito ang inihayag ni PBA Partylist Rep. Margarita Nograles sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food. Aniya, kailangang tutukan ang problema sa smuggling dahil sa laki ng nawawalang pondo ay maaari na sana itong ipantustos sa mga mahahalagang programa ng pamahalaan.

“The government revenues are lost from smuggled, unregistered, and unregulated cigarettes which are being sold via container vans shipments. This resulted in an estimated PHP26 billion in financial losses annually. If this continues, it will affect our local tobacco industry and roughly 2.2 million kababayans will be affected,” paliwanag ni Nograles.

Si Nograles kasama si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ay nagsusulong ng pagpasa ng batas na magpapataw ng mabigat na parusa sa mga sangkot sa smuggling.

Sa nasabing panukala ay isasama na din na papatawan ng parusang habambuhay na pagkakakulong ang sangkot sa illegal importation ng mga raw tobacco materials at dodoblehin ang multa.

Sinabi ni Nograles na ang tobacco farming ay nanatiling pinagkakakitaan ng maraming Pinoy, nasa 516,000 ang mangagawa sa nasabing sektor at 2.2 milyong Pinoy ang nakikibabang sa kinikita sa tobacco.

Ngunit mas malaki pera ang nawawala dahil sa talamak na smuggling, inihalimbawa ni Nograles ang Zamboanga del Sur at Misamis Occidental na 6 sa bawat 10 sigarilyo na ibinebenta sa merkado ay mula sa illegal source.

“Almost daily, there are new reports of seized illegal cigarettes by the Bureau of Customs in Mindanao and this is just the tip of the iceberg. Even in the tobacco-producing region of Ilocos, nearly 10 percent of the cigarettes sold are illicit,” pagtatapos pa ni Nograles. Gail Mendoza