P27.4 M tobats nasabat ng BOC-Clark

P27.4 M tobats nasabat ng BOC-Clark

May 27, 2022 @ 10:03 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang higit P27 milyon halaga ng shabu na nagmula sa Amerika na nagresulta sa pagkaka-aresto ng dalawa katao na nagsilbing claimant nito sa isinagawang operasyon sa Taguig City.

Ayon sa BOC, nabuking ang mga nasabing iligal na droga sa isang kargamento na idineklara na naglalaman umano ng mga pintura na nagmula sa Silver Spring, Maryland, USA na dumating sa bansa nitong Mayo 20, 2022.

Isinailalim sa 100% physical examination ang nasabing kargamento makaraang makitaan ito ng kahina-hinalang imahe sa x-ray scanning na nagresulta sa pagkakadiskubre ng apat na pakete na nakabalot sa foil na naglalaman ng containing white crystalline substances na hinihinalang Shabu.

Kinumpirma naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawa nilang laboratory analysis na shabu ang nadiskubre sa mga nasabing padala na nasa 3,982 gramo at nagkakahalaga ng P27,475,000.00

Dahil dito, inisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention ni District Collector Alexandra Lumontad ang nasabing kargamento dahil sa paglabag sa Sections 118 (g), 119 (d), at 1113 (f) ng Republic Act (R.A.) No. 10863 na may kaugnayan sa Section 4 ng R.A. No. 9165 o mas kilala na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Naaresto naman ang dalawang katao sa isinagawang controlled delivery operation ng pinagsanib na pwersa ng BOC at PDEA sa address ng consignee sa Taguig City nitong Mayo 25.

“The Port of Clark has already seized Php94-million worth of illegal drugs from January 2022 to date. The Port will further strengthen its measures to protect the borders against illegal drugs importation,” saad ng BOC. JAY Reyes