P27M puslit na asukal nabuking sa Manila port

P27M puslit na asukal nabuking sa Manila port

February 24, 2023 @ 10:39 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasa P27 milyong halaga ng umano’y smuggled na asukal mula sa China ang nasabat ng Department of Agriculture (DA) sa serye ng mga inspeksyon sa Manila International Container Port (MICP).

Isinagawa ang mga inspeksyon kasunod ng tip na natanggap ng tanggapan ni DA Assistant Secretary James Layug.

Tatlo sa 11 container van ang orihinal na idineklara na naglalaman ng motorcycle spare parts, ngunit natuklasan na mga asukal pala ang laman.

Mayroon pang anim na iba pang container ang isinasailalim sa inspeksyon, ayon pa sa DA.

Nahaharap naman sa paglabag sa Food Safety Act of 2013 at Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 ang consignee ng shipment. RNT