P27M shabu, nasabat ng PDEA

P27M shabu, nasabat ng PDEA

April 13, 2022 @ 2:12 PM 3 months ago


CAVITE – Tinatayang mahigit P27 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang “controlled delivery operation” laban sa isang babae sa Trece Martirez City.

Alas 8:00 ng gabi ng Martes, Abril 12 nang maaresto ang suspek na si Leonila De La Cruz sa Barangay Aguado.

Narekober sa kanya ang apat na kilo ng shabu.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang posibleng pinagkukunan at supplier ng iligal na droga.

Kinasuhan na rin si De La Cruz ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/ JCM