P28M marijuana nadiskurbre sa Tinglayan, Kalinga

P28M marijuana nadiskurbre sa Tinglayan, Kalinga

July 11, 2021 @ 9:21 AM 1 year ago


KALINGA, Philippines – Umaabot sa P28 milyon ang halaga ng nadiskubreng taniman ng marijuana ang muling binunot sa isinagawang operasyon ng mga otoridad na natagpuan sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga noong Hulyo 9, taong kasalukuyan.

 Nagsagawa ng isang operasyon  ang magkatuwang na puwersa ng Kalinga Police Provincial Office at PDEA Kalinga Police Provincial Office (KPPO) sa pamamagitan ng tinaguriang OPLAN 16, Wacky sa dalawang plastasyon sa naturang lugar, kung saan ay binunot at sinunog ng mga oparatiba ang mahigit sa isang daang  na fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ito ng mahigit P22 million pesos sa tinatayang mahigit 5,000 square meters na taniman ng naturang ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa pamunuan ng Kalinga Police Provincial Office na pinamumunuan ni P/Col Davy Vicente Limmong, Director ng PNP Kalinga, ang mga pinagsusunog ng mga marijuana stalks ay mga bagong harvest habang ang binunot na fully matured marijuana ay handa na umanong anihin, na pinaniniwalaang handa naring ibiyahe ang mga ito patungong kalakhang maynila.

Samantala, sinabi nang pamunuan ng Kaling Police Provincial Office isa na namang maituturing na tagumpay ang isinagawang operasyon ng kapulisan ay bahagi rin ito umano ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan sa mga drug affected barangays sa nasabing bayan kung kayat natutuklasan nang mga otoridad ang mga illegal na taniman ng ipiangbabawal na gamot sa malawak na kabundukanng lalawigan ng Kalinga. JUN C. FUENTES