P28M marijuana plantation sa Kalinga, buking, winasak!

P28M marijuana plantation sa Kalinga, buking, winasak!

August 22, 2022 @ 9:41 AM 1 month ago


TINGLAYAN, KALINGA-Nasa P28.5 milyong halaga ng marijuana ang nadiskumbre at winasak ng mga awtoridad sa isang plantation sa Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay Regional Director Gil Castro ng PDEA CAR, umaabot sa 142,500 fully grown marijuana plants ang sinira sa planstasyon sa Barangay Loccong at Barangay Tulgao West, Tinglayan, Kalinga.

Sa datos, mahigit P.3 milyon ding halaga ng marijuana plants ang sinunog naman sa Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet and at Barangay Caoayan in Sugpon, Ilocos Sur.

Ang naturang operasyon ay pinagsanib na pwersa ng PDEA CAR, Tinglayan PS, PNP DEG SOU1, PDEA-Mt. Province, 1503rd RMFB, 1501st RMFB, 1st KPMFC, 2nd KPMFC at Naval Forces Northern Luzon.

Ang bayan ng Tinglayan, Kalinga ay kilalang ‘di umano na producer ng marijuana sa Northern Luzon.

Samantala, wala naman nadakip na suspek sa isinagawa anti-illegal drugs operation o marijuana eradication operation. Rey Velasco