P29.5B aid naipalabas ng DBM sa first 100 days ni PBBM

P29.5B aid naipalabas ng DBM sa first 100 days ni PBBM

October 10, 2022 @ 7:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Umabot na sa P29.5 bilyong halaga ng tulong  ang naipalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) para sa iba’t ibang benepisaryo sa loob ng ‘100 days’ ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa tanggapan.

Ang iba’t ibang klase ng tulong ay kinabibilangan ng suporta para sa mga magsasaka na apektado ng Rice Tariffication Law; vulnerable households na apektado ng inflation;  nasa krisis na situwasyon; mga biktima ng bagyo at lindol.

Nagpalabas din ng tulong para sa libreng sakay para sa mga commuters sa kahabaan ng  Edsa Carousel Route at maging eligible public at private healthcare at non-healthcare workers  na kasama sa  Covid-19 healthcare response.

“The DBM has indeed made significant strides in supporting the current government’s plans, programs and projects in its first 100 Days and much more will be done as it looks forward in funding a budget that is responsive to every need of every Filipino,” ayon sa DBM.

Samantala, inilabas naman ng DBM ang listahan ng mga pinagdalhan ng pondo para sa mga benepisaryo gaya ng “P8 billion na ipinamahagi ng  Department of Agriculture para sa P5,000 na subsidiya  sa 1,563,781 eligible rice farmers na apektado ng Rice Tariffication Law  sa “third and fourth quarters” ng 2022″ at “P4.1 billion, ipinamahagi ng  Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) para sa  second tranche ng  P500 monthly cash aid para sa mga  low-income families o Targeted Cash Transfer (TCT) Program na naglalayong pagaanin ang epekto ng pagsirit ng  presyo ng langis at pangunahing bilihin.

Kasama rin ang P2 billion para sa  pamamahagi ng  cash aid ng DSWD sa mga “difficult circumstances” kabilang  na ang nasa krisis na situwasyon o Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

May P1.5 billion  para sa pamamahagi ng P10,000 emergency shelter assistance ng departamento sa 153,410 totally damaged houses sa Regions 6, 8, 10 at 13 at naapektuhan ng  bagyong Odette; P1.4 billion – para sa pondo ng  Department of Transportation para suportahan ang  extended na “Libreng Sakay” program. Pondo para sa libreng sakay ng commuters sa kahabaan  Edsa Carousel Route until December 2022; P1 billion  para sa pagpopondo ng Department of Health’s (DOH)  sakop ang  unpaid Covid-19 special risk allowance claims ng 55,211 health workers at P11.5 billion para sa pagpondo ng DOH sa  One Covid-19 Allowance o Health Emergency Claims para sa mahigit na  1.6 million eligible public at private healthcare at non-healthcare workers. Kris Jose