P29.8M iligal na droga winasak sa Caraga

P29.8M iligal na droga winasak sa Caraga

November 24, 2022 @ 6:36 PM 3 days ago


BUTUAN CITY- Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Caraga Region (PDEA-13) nitong Huwebes ang halos P29.8 milyong halaga ng iligal na droga na nasabat mula sa iba’t ibang anti-illegal drugs operations sa rehiyon.

Sa suporta ng stakeholders, sinunog ang iligal na droga sa pamamagitan ng incinerator sa Richmond Plywood Corporation sa lugar.

“The destruction of these dangerous drugs has been approved by the local courts,” pahayag ng PDEA-13.

Pinangunahan nina PDEA-13 Assistant Regional Director Mary Leslie Sharon Maquilang, Agusan del Norte Provincial Administrator Elizabeth Marie Ramirez, and Col. Jose Manalad Jr. ng Police Regional Office sa rehiyon ang aktibidad.

Kabilang sa mga winasak na droga ang 740.49 gramo ng shabu na may street value na P5,035,304 at 16,483.74 grams ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,978,049.

May kabuuang 4,310.02 grams ng cocaine na nagkakahalaga ng P22,841,111 ang winasak din ng mga awtoridad.

Ang mga winasak na droga ay bahag ng mga inihaing kaso sa Regional Trial Court (RTC) Branches 3 at 4 sa Butuan City, RTC Branch 28 sa Lianga, Surigao del Sur at RTC Branch 31 sa Dapa, Surigao del Norte.

Mula naman sa mga laboratoryo ang iba ang droga. RNT/SA