P29M puslit na sigarilyo nasabat sa Davao del Norte

P29M puslit na sigarilyo nasabat sa Davao del Norte

January 21, 2022 @ 12:10 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang higit 1,000 kaha ng sigarilyo na pumalo sa P28.87 milyon sa Panabo City, Davao Del Norte.

Base sa Bureau of Customs, dumating sa Davao International Container Terminal ang kargamentong idineklarang iba’t ibang gamit ang laman tulad ng upuan at papel.

Nakatanggap ng impormasyon ang intelligence group ng BOC-Port of Davao na posibleng iba sa idineklara ang laman ng kargamento.

Sa pagsailalim sa physical inspection, nakitang puslit ang mga sigarilyo dahil sa wala rin itong pinanghahawakang dokumento.

Mahaharap naman ang consignee ng kargamento sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act. RNT/FGDC