P2B medical assistance naipamahagi ng PCSO sa 2022; 225K indibidwal natulungan

P2B medical assistance naipamahagi ng PCSO sa 2022; 225K indibidwal natulungan

February 22, 2023 @ 12:42 PM 4 weeks ago


NASA higit P2 bilyon halaga ang naibigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mahigit 250,000 indibidwal na may mga problemang may kinalaman sa kalusugan na naghahanap ng tulong pinansyal noong taon 2022 sa pamamagitan ng Medical Assistance Program (MAP).

“True to our mission of providing responsive assistance to eligible recipients and beneficiaries, the PCSO has helped hundreds of thousands of poor patients deal with costly medical expenses incurred from treatment or confinement,” ani PCSO chairman Junie E. Cua.

“This is in line with the continuing efforts of President Ferdinand R. Marcos Jr. to enhance and strengthen the country’s healthcare system, and sustain the gains achieved in 2021 to fully reopen the economy,” dagdag pa ng opisyal.

Ayon sa 2022 accomplishment report ng PCSO, direktang tinulungan ng ahensya ang 255,520 indigents at financially incapacitated individuals sa ilalim ng MAP na may P2,012,581,440.96 na tulong pinansiyal noong nakaraang taon.

Ang nasabing tulong pinansiyal ay ibinigay sa pakikipagtulungan sa gobyerno at pribadong mga ospital, health facilities, mga medicine retailer at iba pang kasosyo nito.

Ang kabuuan ay hinati sa Regular MAP sa pamamagitan ng mga tanggapan ng PCSO (210,731 benepisyaryo na may P1,395,310,206.43 na tulong); at Medical Access sa Malasakit Centers (MAM) na may 44,789 na benepisyaryo na nabigyan ng P617,271,234.53 halaga ng tulong.

Nabatid sa PCSO, mula nang pirmahan ang Malasakit Center Act (RA 11463) noong 2019 na naglalayong magtatag ng Malasakit Centers sa mga ospital na pinamamahalaan ng Department of Health (DOH) sa buong bansa, nakapagtatag ang PCSO ng 129 PCSO Desks mula sa 153 Malasakit Centers sa pagtatapos ng 2022.

Nabanggit din ni Cua na ang pinakamataas na bilang ng mga “request” para sa tulong na natanggap ng PCSO ay para sa cost of confinement na may 131,754 (1.28B), na sinundan ng erythropoietin (dialysis injection) na may 84,535 na request (P337M), at 23,624 na request (241.8M) para sa chemo drugs.

“Kung ating titignan, ito yung tatlong masasabi natin na pinakamabigat na pasanin ng ating mga kababayang mahihirap na nagkakasakit at nangangailangan ng tulong pinansyal. We are happy to note that we have been able to serve many of our needy kababayans through the MAP,” ani Cua.

Samantala, ang iba pang mga serbisyong saklaw ng nasabing programa ay mga espesyalidad na gamot, hemodialysis, laboratoryo (blood chemistry), diagnostic, imaging procedures, at implant/medical device.

“Inaasahan po natin na sa mga darating na panahon, mas marami pa ang ating matutulungan sa pamamagitan ng mga innovations na magpapabilis sa paghatid ng mas epektibng serbisyo sa ating mga kababayang nangangailangan,” ayon pa sa PCSO Chairman.

“Maaasahan niyo po na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos, ang PCSO ay laging handa sa pagtulong sa kapwa,” ani Cua. RNT