P2M halaga ng marijuana, nadiskubre sa Ilocos-Benguet boundary

P2M halaga ng marijuana, nadiskubre sa Ilocos-Benguet boundary

October 22, 2022 @ 12:59 PM 1 month ago


ILOCOS SUR – Nagkakahalaga ng mahigit P2-milyon ang mga nadiskubre ng mga otoridad na dried marijuana stalks at marijuana seedling mula sa dalawang taniman nito sa disputed boundary ng Ilocos Sur at Benguet sa Sitio Nagawa, Brgy. Caoayan, Sugpon, Ilocos Sur at Sitio Bakes, Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet nitong Huwebes, Oktubre 20.

Nagsasagawa ng marijuana eradication operstion ang mga pinagsanib na tropa ng Sugpon MPS sa lugar (lead unit), ISPIU/ISPDEU, Alilem MPS, San Emilio MPS at RDEU nang matagpuan nila ang mga dried marijuana stalks at seedlings.

Tinatayang nagkakahalaga ng P2,000,000.00 ang marijuana dried stalks ang nadidkubre ng mga otoridad sa unang site habang nagkakahalaga naman ng P60,000 ang mga nadiskubreng marijuana seedlings sa pangalawang site.

Ang 145 na piraso ng dried marijuana stalks na tumitimbang ng 16 kilos ay nasa kustodya ngayon ng Sugpon MPS samantanlang ang mga marijuana seedlings ay pinagbubunot at winasak doon mismo sa lugar.

Walang nahuling marijuana cultivator sa mga nadiskubreng taniman. Rolando Gamoso