P2M halaga ng shabu nasabat sa dalawang residente sa Cebu

P2M halaga ng shabu nasabat sa dalawang residente sa Cebu

September 10, 2022 @ 12:49 PM 3 weeks ago


CEBU – Tiklo ng mga otoridad ang dalawang indibidwal makaraang mahulihan ng aabot sa P2-milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation sa Barangay Dumlog, Talisay City kagabi, Setyembre 9.

Kinilala ang mga suspek na sina John Ian Amigable, 22 at Jonathan Alcober Alas-as, 25.

Maliban sa shabu, nakuha rin sa isa sa mga suspek ang .45 kalibre ng pistola.

Napag-alaman na ang dalawang suspek ay nakakapagbenta ng 300-500 gramo ng shabu linggo-linggo.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Randy Caballes, hepe ng Talisay City Police, mahaharap sina Amigable at Alas-as sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC