P2M ham, pork products nasamsam sa Aklan

P2M ham, pork products nasamsam sa Aklan

December 22, 2022 @ 7:00 PM 1 month ago


ILOILO CITY- Hinihikayat ang publiko na pigilan ang pagpasok ng African swine fever (ASF) at alamin ang epekto nito sa industriya sa Western Visayas kasunod ng pagkakahuli sa 74 kahon ng undocumented pork products at walong karton ng ham patungong Capiz, Iloilo at Bacolod sa Jetty Port sa Caticlan, Aklan sa routine inspection.

“While it is the tradition of Filipinos to prepare ham during Christmas and New Year, we have to consider the risk that it will cause because we still have a continuing battle against ASF,” pahayag ni Bureau of Animal Industry-Veterinary Quarantine Station Aklan provincial coordinator Dr. Wendel Maglantay nitong Huwebes.

Tinatayang aabot ang halaga ng pork products, kabilang ang undocumented at unlabeled ham, sa halos P2 milyon na nasamsam noong Dec. 17.

Sinabi ni Maglantay na pwede itong ibalik sa sending entity sa loob ng 24 oras, kung hindi ay ikokonsiderang abandonado.

Ipinagbabawal ng General Ordinance 2011-011 ng lugar na nangangasiwa sa pagpigil at kontrol ng ASF sa lalawigan, ang pagpasok ng pork at pork-based products sa lalawigan, kung galing sila sa mga lugar na may kaso ng animal disease.

Nitong Oktubre 14, ipinalabas ng provincial government ang Executive Order No. 45 na nagbibigay-diin sa pagbabawal kasunod ng kumpirmasyon ng ASF cases sa Iloilo.

Sinabi ni Maglantay na patuloy na isinasagawa ang 24-hour monitoring sa Caticlan at Kalibo airports at sa pantalan sa Caticlan.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Aklan veterinarian Dr. Joseph Lachica sana mahigpit sila sa pagkakasa ng border control dahil hindi lamang ASF ang binabantayan nila kundi avian influenza.

“We are now regulating pork and chicken, especially that there are now cases of bird flu in Capiz. Executive Order No. 056, series of 22, now prohibits live birds coming from Luzon and Capiz, except for eggs and meat products. For ASF, Aklan has banned all live and pork products from other provinces in Panay Island,” aniya.

Umiiral ang border control sa airport at jetty port habang gumugulong naman ang random check sa iba pang pantalan.

Kasalukuyang walang kaso ng ASF sa Aklan. RNT/SA