P2M ‘high-grade marijuana’ mula US nasabat; consignee tiklo

P2M ‘high-grade marijuana’ mula US nasabat; consignee tiklo

September 7, 2021 @ 4:19 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang nasa P2 milyong halaga ng high-grade marijuana habang naaresto naman ang consignee nito ngayong Martes, Setyembre 7.

Isinagawa ito ng mga operatiba ng Bureau of Customs, airport authorities, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang madiskubre ang high-grade marijuana na nakatago sa mga kahon ng cookies at laruan sa Ninoy Aquino International Airport.

Naka-consigne din ito sa isang Arthur Antonio na naaresto nang mismong PDEA at Customs ang nagpanggap na delivery boys.

Idineklara ang naturang kargamento na ‘cookies, balloons, toys at school supplies’ na galing sa California, USA.

Tinatayang naglalaman ito ng 1.8 kilong Kush o high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P 2.198 milyon. RNT/FGDC