P2M marijuana na ipinalaman sa dried fish nakalkal ng aso

P2M marijuana na ipinalaman sa dried fish nakalkal ng aso

June 7, 2021 @ 9:28 AM 2 years ago


KALINGA-Tinatayang aabot sa mahigit P2 milyong halaga ng marijuana na ipinalaman sa dried fish na nasa dalawang karton matapos na kalkalin ng aso sa sitio Ngilin Poblacion, Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay PCol. Davy Vicente Limmong, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office o KPPO, ilang mamamayan ang nagsumbong ukol sa dalawang karton na pinaglagyan ng marijuana sa gilid na kinakalkal ng aso.

Umaabot sa 19 na marijuana bricks na tumitimbang ng halos 18 kilos ang nadiskubre.

Posibleng sa medyo masangsang na amoy ng isda ay nagawang kalakalin ng asong mga gala ang nasabing kargamento.

Modus na umano ito ng mga nagbebenta para hindi agad mahalata ang laman ng karton na ipinapalaman o hinahaluhan ng iba.

Maaari umanong late o nahuli sa dating ang kukuha o bibili sa marijuana kung kaya’t nagawang kalkalin ito ng mga aso.

Samantala, kilala ang bayan ng Tinglayan na numero uno sa produksyon ng marijuana sa Luzon. Rey Velasco