P2M multa, pagkakulong ipataw sa magpapalugi sa Maharlika fund – solon

P2M multa, pagkakulong ipataw sa magpapalugi sa Maharlika fund – solon

December 12, 2022 @ 4:02 PM 2 months ago


MANILA, Phlippines – Isinama ng mga may-akda ng proposed Maharlika Fund ang hakbang na magbibigay ng penal provision sa mga indibidwal na magdudulot ng pagkalugi o investment losses sa naturang wealth fund.

Ito ang sinabi ni House banks and financial intermediaries chairperson Irwin Tieng nitong Lunes, Disyembre 12.

“Nagdagdag si Congressman Joey Salceda ng penal provisions on director, trustee, or officer who willfully or maliciously violates investment policies and guidelines set by the Board of Directors pursuant to Section 19 of this Act,” sinabi ni Tieng.

“It will be an imprisonment of not less than a year but not more than five years or a fine of P50,000 to P2 million or both pursuant to the discretion of the court,” dagdag niya.

Ani Tieng, sa penal provisions, maliban sa sangkot na mapapatunayan na nagpabaya, nagkaroon ng willful misconduct, fraud, at iba pang aksyon na makapipinsala sa investment agreement, mapaparusahan din ang director, trustee o opisyal na may hawak dito.

Maliban sa nabanggit na penal provision, sinabi ni Tieng na nagkasundo na ang mga may-akda ng panukala na baguhin ang pangalan ng Maharlika Wealth Fund at tatawagin nang Maharlika Investments Fund. RNT/JGC