P2M tsongki nasabat sa 2 turista sa Kalinga

P2M tsongki nasabat sa 2 turista sa Kalinga

October 15, 2022 @ 12:12 PM 2 months ago


TABUK CITY, KALINGA- Nasabat ng mga awtoridad ang bloke-blokeng marijuana o tsongki na nagkakahalaga ng halos mahigit P2,040,000 sa checkpoint sa bahagi ng Naneng, Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay PLtCol. Joey Jonathan Bagayao, hepe ng Tabuk City Police Station una rito nakatanggap sila ng impormasyon mula sa 2nd KPMFC na nakabase sa Dinacan, Lubuagan kaugnay sa isang Toyota avanza na umiwas sa kanilang checkpoint ay agad nagpatupad ng interdiction operation ang kanilang hanay.

Sa kanilang follow-up operation ay arestado ang mga suspek na kinilalang sina Mark Yuzon, 21-anyos, residente ng Tondo, Manila at Jess Bilas De Guzman, 49-anyos at residente naman ng Dimasalang, Manila.

Nakumpiska ng mga operatiba sa loob ng kanilang sasakyan ang 17 bricks nang hinihinalang dried marijuana leaves na tinatayang nagkakahalaga ng P2,040,000.

Sinabi pa ni PLtCol. Bagayao ang matagumpay na operasyon ay bilang pagtalima sa programa M+K+K=K o “Malasakit, Kaayusan, Kapayapan tungo sa Kaunlaran” ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.

Dinala naman ang mga nakumpiskang kontrabando maging ang mga naarestong suspek sa Tabuk City Police Station para sa pagsasampa ng kasong may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco