P3.4M marijuana sinunog sa Kalinga

P3.4M marijuana sinunog sa Kalinga

January 31, 2022 @ 1:04 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Sinunog ang nasa P3.4 milyong halaga ng marijuana sa Tinglayan, Kalinga, batay sa ulat.

Nasakote rin dito ang mga pananim at tuyong dahon ng marijuana sa dalawang plantasyon Β sa nasabing lugar.

“Natutunugan nila kasi kapag aakyat pa lang ang tropa, nakikita na nila kaya siguradong may time pa sila na mag-evade sa area,” lahad ni Capt. Luis Bulao Jr. ng Tinglayan police sa mga nagpapatakbo ng plantasyon.

Sa ngayon ay hinahanap na ang may-ari ng plantasyon at mahaharap sa ilang kaso. RNT/FGDC