P3.4M shabu kumpiskado sa 3 tulak

P3.4M shabu kumpiskado sa 3 tulak

May 20, 2022 @ 10:30 AM 1 month ago


CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan – UMABOT sa halagang P3.4-M na shabu ang nakumpiska sa tatlong pinaniniwalaan tulak ng iligal na droga nitong Miyerkules sa bayan ng Bocaue.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jayson Falcon, 50, ng Barangay San Antonio, Quezon City; Edwardo Elgarlino, 45, at Sarah Biscante, 44, kapwa residente sa Barangay Balon Bato, Balintawak, Quezon City.

Batay sa pinagsamang report ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group, Special Operations Unit-3, Philippine Drug Enforcement Agency-Central Luzon, at Bocaue Municipal Police Station, dakong 9:40 PM nadakip ang mga suspek sa kahabaan ng McArthur Highway Barangay Bunlo, Bocaue Bulacan.

Ayon kay Col. Charlie A. Cabradilla, acting Bulacan provincial director, isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek matapos makarating sa kanilang tanggapan na si Falcon ang nagsusuplay ng droga sa mga kalapit na barangay sa naturang lugar.

Nakuha sa mga susek ang isang brown tape sealed foil pack na naglalaman ng shabu na may bigat na 500 gramo at tinatayang aabot sa halagang P3,400,000.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek./Mary Anne Sapico