P3.4M shabu nadiskubre ng PCG working dog sa Zambo

P3.4M shabu nadiskubre ng PCG working dog sa Zambo

August 10, 2022 @ 6:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Natuklasan ang kabuuang P3.4 milyong halaga ng shabu ng Philippine Coast Guard (PCG) working dog sa isang cargo area sa Zamboanga City.

Batay sa ulat, nadiskubre ng PCG working dog na si β€œBunny” ang 500 gramo ng shabu na may tinatayang market value na P3.4 milyon sa isang cargo area ng airline company nitong Lunes.

Sinabi na PCG na ang nag-ship ng nabanggit na kontrabando ay si Farhana Maddih mula sa Basilan at umano’y ipadadala kay Dayana Ismael ng Quezon City.

Batay sa Coast Guard, nai-turn over na ang package sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region IX para sa imbestigasyon at proper disposition.

Inasistihan din ng Philippine National Police (PNP) ang PCG K9 Field Operating Unit Southwestern Mindanao sa pagsasagawa ng operasyon. RNT/SA