P3.4M ‘shabu’ nasabat sa Cavite buy-bust

P3.4M ‘shabu’ nasabat sa Cavite buy-bust

January 2, 2023 @ 10:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakumpiska ng mga awtoridad ang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa buy-bust operation sa General Trias, Cavite.

Kinilala ang suspek na si Jalil Ayonan, ayon sa ulat nitong Lunes.

Bumili ang mga operatiba ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1 milyon mula sa suspek, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 4A.

Nadiskubre rin umano nila ang 300 gramo ng hinihinalang shabu sa suspek na nagkakahalaga ng P2 milyon, maging ang buy-bust money.

Hindi naman naglabas ng pahayag ang suspek. RNT/SA