P3.4M shabu nasabat sa Pampanga buy-bust

P3.4M shabu nasabat sa Pampanga buy-bust

January 31, 2022 @ 3:42 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nasabat ng awtoridad ang nasa P3.4 milyong halaga ng shabu habang kulong naman ang suspek sa likod nito sa buy-bust operation sa Mabalacat, Pampanga.

Tinukoy ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek na si Dennis Balaba, 45.

Narekober din ang limang plastic sachet ng shabu na tinatayang nasa 500 hramo at marked money.

Nahaharap naman si Balaba sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165. RNT/FGDC