P3.4M shabu nasabat sa P’que buy-bust

P3.4M shabu nasabat sa P’que buy-bust

July 11, 2021 @ 9:57 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Tinatayang nasa P3,400,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa drug suspect na inaresto sa ikinasang buy-bust operations ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO III, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) RFU3 at ng Parañaque City police kahapon sa Barangay Baclaran.

Kinilala ni Southern Police District Office (SPDO) director CP/Brig. Gen. Jimili L. Macaraeg ang inarestong suspect na si Nabel Sarip y Bongaros, 23, resident eng Parañaque City.

Base sa report na isinumite ng Parañaque City police sa SPDO, nangyari ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspect dakong alas 3:10 ng hapon (Hulyo 10) sa harap ng Raf Mansion Hotel na matatagpuan sa Service Road northbound ng Roxas Boulevard, Barangay Baclaran, Parañaque City.

Bago pa man naisagawa ang naturang operasyon ay nauna nang isinailalim ng mga awtoridad ang suspect sa surveillance operation at nang magpositibo ang nakalap nilang impormasyon ay ikinasa ang buy-bust operation na nagdulot ng pagkakaaresto ng suspect.

Nakumpiska sa posesyon ng suspect ang dalawang transparent plastic bag na naglalaman ng humigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000, 1 unit ng Samsung keypad cellphone at 1 piraso ng P1,000 na kasama ang 7 bundle ng boodle money na ginamit sa buy-bust operation.

Ang nakumpiskang hinihinalang shabu ay itinernober sa SPDO Crime Laboratory para maisailalim sa chemical analysis.

Pansamantalang nakapiit sa detention facility ng Parañaque City police ang suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 15 Article II ng RA 9165 sa Parañaque City prosecutor’s office.

“Ang matagumpay na operasyon na ito ay sanhi ng kooperasyon at pagtutulungan n gating mga pulis at ibang ahensya ng pamahalaan. Nakikita nyo naman na sa araw-araw ay walang humpay ang ating kapulisan sa SPD sa kanilang operasyon upang masugpo ang problema sa ilegal na droga ng mga mapagsamantalang mga drug pushers kahit na may pandemya,” ani Macaraeg. James I. Catapusan