P3.4M shabu nasamsam sa bigtime tulak sa P’que

P3.4M shabu nasamsam sa bigtime tulak sa P’que

January 12, 2021 @ 6:43 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

PARAÑAQUE CITY – Arestado ang isang sinasabing big-time tulàk matapos kumagat sa buy-bust operation ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at makumpiskan ng kalahating kilo ng hinihinalang shabu.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang naaresto na si Datun Menalang Saysay na nakuhanan ng higit P3 milyong halaga hinihinalang shabu.

Base sa ulat, dakong 3:00 ng hapon nang ikasa ang drug operation sa parking lot ng SM Sucat Bldg. A Brgy. San Dionisio, ng nasabing lungsod.

Isang PDEA agent ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang suspek.

 Narekober kay Saysay ang kalahating kilo mg shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon piso at buy-bust money.

Nakapiit na ang suspek habang at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehesive Drugs Act of 2002. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •  

Loading...